Iba’t ibang pagsubok ang tinatahak natin sa buhay, hindi ba? Mayroong pagsubok sa pisikal, mayroon din naman sa pinansyal. Yung ibang indibidwal nga, pareho pa. May iba’t ibang opinyon din ang bawat isa kung papaano umangat sa buhay. May nais makakamit ng diploma, habang yung iba idinadaan sa diskarte ang lahat. Gayunpaman, ano nga ba ang pipiliin ko? Makamit ang diploma o diskarte bilang daan sa pag-angat?
Bilang isang mag-aaral, isa na ito sa mga tanong sa aking isipan, aking hindi mawari kung ako ay magp-pursigi sa pagkamit ng pangarap na diploma o pagdiskartehan ang lahat ng bagay o problema upang ito ay malagpasan. Sa paglipas ng panahon, ito naman ay aking napagd-desisyunan nang maayos at maigi kaya’t kung ako ang tatanungin at papapiliin sa diploma o diskarte, ang pipiliin ko ay diploma. Mas nanaisin kong paghirapang makamit ang pangarap na diploma. Ano man ang paghihirap na madadaanan ko sa pagkamit ng diploma, ito pa rin ang aking pipilin.
Sa madaling salita, sabihin man ng iba na mas mapapadali ang buhay kung ikaw ay isang madiskarteng indibidwal, para sa akin naman ay hindi ito patas. Iba pa rin ang pagdadaanan sa pagkamit ng diploma kaysa sa pagdidiskarte upang makamit ang pangarap o umangat sa buhay.
Comments
Post a Comment