Siya si Leanna Janel D. Apolinar o kilala sa palayaw na “Le”. Siya ay labing anim na taong gulang at nakatira sa Pasig City. Ang kaniyang mga magulang ay sina Janet D. Apolinar at Leonard D. Apolinar. Ang isa sa kaniyang mga pangarap ay ang makapagtapos ng pag-aaral.
Upang siya ay makilala pa nang lubos, si Leanna ay paborito ang kulay asul. Siya rin ay ipinanganak noong Hunyo 27, 2008. Siya ang panganay sa kanilang tatlong magkakapatid. Simula elementarya pa lamang ay isa na siyang academic achiever. Isa siya sa mga skolar ng bayan at ang pagkakaroon ng medalya at matataas na grado ay kaniyang kasiyahan. Ang pagluluto ang kaniyang kahiligan. Ito ay kaniyang potensyal simula noong bata pa lamang siya. Hilig din niya ang pakikinig sa mga musika, paborito niya ang banda na kilala sa tawag na “Cup of Joe”. Ang kantang “Tingin” ang pinakapumukaw ng atensyon niya. At saka, si Leanna ay maaasahan sa lahat ng bagay. Ang kaniyang ugali ay nakadepende sa pakikitungo ng isang indibidwal sakaniya.
Higit sa lahat, ano man ang mangyari, si Leanna ay laging handa upang tumulong. Siya ay hindi ka hahayaang mapunta sa maling landas ng iyong buhay kundi siya ang magiging dahilan ng pag-angat mo sa buhay.
Comments
Post a Comment