“Ano kaya ang aking silbi sa lipunan kung wala akong nais patunguhan?” Paulit ulit na tanong sa aking sarili. Marami akong nais makamit sa buhay. Gayunpaman, hindi ko mawari kung ano ang nais kong unahin. Ngayon, ako ay gagawa ng aking misyon sa buhay.
Simula ngayon, pagtutuuan ko ng pansin ang aking sarili kasabay ng pag-aaral nang mabuti. Misyon kong makapagtapos ng pag-aaral nang may parangal. Pagkatapos kong makamit iyon, sisiguraduhin kong ako ay magkakaroon ng magandang trabaho upang makabawi sa mga sakripisyo at paghihirap ng aking mga magulang sa pagpapalaki at pagpapaaral sa akin. Alam ko sa aking sarili na ito ay hindi basta-bastang paggawa ng misyon sa buhay bagkus ito ay kinakailangan ng pagsisikap at paghihirap. Ang bawat desisyon mula sa isip, aking sisiguraduhing ito ay maisasagawa. Ika nga nila “actions speak louder than words”, kung gayon, anong silbi ng bawat misyon at plano kung hindi naman isinasagawa at isasagawa, hindi ba? Kaya’t mas pipiliin kong matawag na puro gawa kaysa puro “salita”.
Sa pagtatapos, misyon kong maging matagumpay sa buhay. Ang bawat hakbang na aking tatahakin ay aking sisiguraduhing patungo sa tamang landas ng aking kinabukasan.
Comments
Post a Comment