๐—”๐—ป๐—ฎ๐—ธ : ๐“•๐“ป๐“ฎ๐“ญ๐“ญ๐“ฒ๐“ฎ ๐“๐“ฐ๐“พ๐“ฒ๐“ต๐“ช๐“ป


     Pinapahiwatig ng kantang anak ni Freddie Aguilar na sa paglipas ng panahon ay nagbabago ang ugali ng isang anak at mas nagiging suwail. Batid din sa awiting ito na ang ating mga magulang ay nakagabay sa atin ano man ang mangyari. Ang mensahe ng awiting ito ay nakatuon sa pagmamahal ng ating magulang.

     Mula sa malikhaing musika, masasabing ang pagmamahal ng ating magulang ay walang katumbas. Kahit ano mang asal ang maipakita natin na maaaring maging dahilan ng kanilang pagsuko sa atin, mayroon pa ring puwang sa kanilang puso na mas pipiliing tayo ay patawarin. Gayunpaman, bilang mga anak, ating piliing maging mabuti sakanila sapagkat sila ang dahilan kung bakit tayo patuloy na nabubuhay sa mundong ating tinatayuan. Gaano pa man natin gustuhin na maging malaya, nawa’y ang mga sakripisyo nila ay ating pahalagahan. Hindi man natin sila responsibilidad, kahit sa maliliit na bagay tayo’y bumawi. Tayong mga anak ang kanilang pagpapala mula sa panginoon, at sila naman ang atin. 

     Higit sa lahat, ang ating mga magulang ang natatanging indibidwal na mananatili sa ating tabi kahit ano pa ang mangyari. Maligaw man tayo ng landas, sila ay nariyan upang tayo ay gabayan pabalik sa tamang daanan patungo sa magandang kinabukasan.

Comments