𝖠𝗇𝗀 π–»π—Žπ—π–Ίπ—’ 𝖺𝗒 𝗉𝖺𝗋𝖺𝗇𝗀 𝓼π“ͺ𝓻π“ͺ𝓷𝓰𝓰𝓸𝓡π“ͺ, 𝗄𝖺𝗂𝗅𝖺𝗇𝗀𝖺𝗇𝗀 𝗁𝖺𝗐𝖺𝗄𝖺𝗇 𝗇𝖺𝗇𝗀 π—†π–Ίπ–Ίπ—’π—ˆπ—Œ 𝗉𝖺𝗋𝖺 𝗁𝗂𝗇𝖽𝗂 π—…π—Žπ—†π—‚π—‰π–Ίπ–½ π—„π—Žπ—‡π—€ 𝓼π“ͺπ“ͺ𝓷-𝓼π“ͺπ“ͺ𝓷.

     Sa kasabihang ito ibinabatid na ang ating buhay ay hindi parang isang laruan lamang na pwede nating ilagay o ipalipad kung saan-saan. Ipinapahiwatig nito na ang ating buhay ay dapat hawak natin nang mabuti at maayos upang hindi mapunta sa maling daan o landas na ikakasira ng ating buong progreso sa pamumuhay.

     Kung ang ating buhay ay parang isang saranggola, ating piliing paliparin ito sa malawak na lugar kung saan hindi ito sasabit sa anumang bagay na magiging dahilan ng pagtigil ng paglipad nito. Ang buhay ay paliparin at hawakan nang maayos patungo sa tagumpay at magandang kinabukasan. Tulad ng saranggola, kinakailangan natin ng isang tali na gagabay sa atin upang lumipad nang maayos at hindi mapadpad kung saan-saan. Kaya’t ang ating buhay ay parang isang saranggola sa kadahilanang ito’y madaling liparin sa hindi magandang punto ng buhay dahil lamang sa isang maling pagkakahawak o desisyon. Saka, ang saranggola ay kinakailangan ng magandang hangin na gagabay upang ito ay lumipad nang maayos. Tulad ng ating mga desisyon sa buhay, ito ang kumakatawan bilang hangin na tumutulong sa atin upang magjng maganda at maayos ang ating pamumuhay.

     Bilang konklusyon, ang buhay ay hindi basta-bastang nagpapatuloy sa pag-usad sa madaling panahon, tulad ng saranggola, ang buhay ay maraming tuntunin na kailangang sundin upang ito’y mapalipad nang maayos.

Comments